Bakit kailangan nating e respeto ang mga LGBT members?
Kailangan natin e respeto ang LGBT members kasi lahat tayo ay may inaalagaang dignidad. Hindi porke't kakaiba ang kasarian nila may karapatan na tayong husgahan sila. Alam nating lahat na makasalanan ang makipagrelasyon sa kapwa kasarian at lalo na ang magpakasal. Matatandaan na ang Simbahang Katoliko ang pangunahing bumabatikos sa panukalang ito anupa't naniniwla sila na ang pagsasabatas ng panukalang ito ay paglapastangan sa batas at simulain ng Bibliya. Itinuturing ng Simbahang Katoliko ang kasal bilang isang banal ng institusyon kung kaya’t dapat itong galangin at respetuhin. Ayon sa kanila ang kasal ay para lamang sa dalawang nagmamahalang indibidwal na may magkaibang kasarian na nagplaplanong magsama pangabang buhay. Ang pagiisang dibdib ng isang babae at lalaki ay isang sagradong batas at dapat lamang mangyari sa pagitan ng babae at lalaki.
Sa henerasyon natin ngayon mas lalong dumarami ang mga LGBT na nakikilahok upang matanggap ng lipunan ang kanilang sekswalidad lalo na ang sinusulong nilang " Same Sex Marriage" na kung saan malaya silang magpakasal at magmahal ng kanilang gustong kasarian.Subalit nitong mga huling buwan naging mainit na usapin sa ating bansa kung dapat bang ipasa ang "Same Sex Marriage" sa ating bansa. Kabi-kabila ang mga opinyon na ipinarating ng ating mga kababayan. Sabi nga sa opinyon ng iba hindi naman masama ang makipagrelasyon sa kapwa kasarian pero ibang usapan na ang magpakasal dahil ang pagpapakasal ay sagrado. Laganap na sa ating bansa ang mga bading at mga lesbiyana o mas kilala bilang thirdsex sa panahong nating ito. Hindi naman natin masasabing salot sila sa ating lipunan dahil nakatutulong sila sa pag-unlad ng ating bansa. Unti-unti silang nata-tanggap ng ating lipunan, pero sa pagpapakasal nila sa kapwa nila babae o lalake, naayon pa ba sa mata ng mga tao, sa mata ng batas, lalo na sa mata ng Diyos.Ayon sa Simbahan, ang kasal para kay Jesus ay nagpapahayag ng isang bagay na banal sapagkat hindi lamang ito kasunduan na ginampanan ng lalaki at babae kundi ito ay binasbasan din ngPanginoon upang maging isang sakramento na nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa mga pumasok sa ganitong pagsasama. Ang sakramento ng kasal ay nagpapahayag ng kagustuhanng Diyos na pumasok sa isang kasunduan sa atin upang magkaroon tayo ng malalim naugnayan sa kanya, isang ugnayan na hindi mabubuwag nang anuman o sino man sapagkat pinagiingatan ito ng Diyos. Samakatuwid, hindi angkop ang pagpapakasal ng pareho ang kasarian. Hindi rin kinilala nang batas ang pag-iisang dibdib na isinagawa, dahil wala pang batas na kumikilala sa seremonyang ito.
Sa kabila ng katotohanan na tutol ang Simbahang Katoliko at ang maraming nating mga kababayan sa panukalang ito, hindi maikakaila na may mga ilang Pilipino parin ang sumusuporta dito lalong lalo na ang mga miyembro ng LGBT. Umaasa sila na maisasabatas ang panukalang ito sa ating bansa at magbibigay daan para mabigyan sila ng pantay na karapatan. Ang mga taga suporta ng panukalang "Same Sex Marriage" ay naging bukas sa pagpapahay na kanilang ng kanilang saloobin at pag sang-ayon sa panukalang ito.
Sa halip na husgahan ang kasarian ng iba,mas mabuti pang bigyan pansin natin ang ating sariling problema. Hindi naman masamang magpahayag ng opinyon, ngunit bago natin ito ipahayag isipin din natin na tao rin sila nasasaktan at nagmamahal lamang sila, hindi nila kasalanan bakit sila naging bakla o tomboy. Ang paghusga natin sa kanila ay dapat nating tigilan sapagkat, wala tayong karapan tayo'y pantay-pantay dito sa mundo at wala naman silang ginawang masama sa atin, nagkasala lamang sila sa ng ating Diyos at hindi natin sila masisi dahil nagmamahal lamang sila kaya't respetuhin natin sila.
Ang mahalaga sa ngayon ay bigyang pansin natin ang mas mahalagang bagay at problema dito sa ating bansa, isa na rito ang kahirapan at kakulangan sa pinansyal ng ating Gobyerno at bigyan pansin ang mga hinaing natin sa mga pangangailangan na dapat nilang suportahan.
Basta't lage nating tatandaan
God bless you all the way :)