True Friends
Ano ba para sayo ang Tunay na Kaibigan?................Para sakin ang pakikipagkaibigan ay parang pag-aalaga ng isang magandang garden. Kailangan dito ang maraming panahon at pag-aalaga. Una sa lahat, dapat ka munang maging isang mabuting kaibigan. Ipakita mo ang iyong pagmamahal at personal na interes. At dapat na handa mong isakripisyo ang iyong panahon, kung kailangan.

Sa tingin ko ay maaaring ito rin ang inyong maging pamantayan upang malaman
kung sino ang totoo mula sa friend-friend lang.
- Ang tunay na kaibigan ay sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
- Ang tunay na kaibigan ay hindi ka paliliguan ng papuri. There is a difference between a friend and a flatterer.
- Tunay ang iyong kaibigan kung sa minsang pagsasabi nya ng katotohanan tungkol sa iyong pagkatao ay naapektuhan ka (e.g. nasaktan). Ibig sabihin ay naniniwala ka sa paglalarawan nya sa iyo. May katotohanan ang kanyang sinasabi at nangangahulugan itong kilala ka niya.
- Ang tunay na kaibigan ay may isang salita. Kapag sinabi nya, sinabi nya at walang babali rito.
- Ang tunay na kaibigan ay mananatiling kaibigan despite of the distance or dami ng taong hindi nyo pagkikita. Matapos ang ilang taong hindi pagkikita, malalaman mong ang iyong kaibigan ay kaibigan pa rin kung pareho pa rin ang pakiramdam nyo sa presence ng isa't isa. Kung walang naging gaps, kung walang weird feelings, tunay pa rin at nananatili ang pagkakaibigan ninyo. The feeling is as if no one ever left. As if you never parted.
- Tunay ang kaibigan mo kung kaya nyang sabihin sa iyo na baduy ang suot mo, di bagay ang gupit mo, mabantot ka or pangit ang manliligaw o nililigawan mo. Hindi kailangan ng approval sa kanyang mga opinyon.
- Gayundin, bagama't baduy ka, pangit ang hairdo, mabaho at pangit ang sinusuyo o nanunuyo, nakasuporta lamang siya sa iyo sa anumang pasya mo. Nirerespeto ng tunay na kaibigan ang kagustuhan ng kaibigan nito. Walang bahid ng pagmamanipula.
- Ang tunay na kaibigan ay hindi insecure sa iyo. Wala syang ibang hangarin kundi ang magkasing kayo sa lahat ng bagay. Magsing-ganda, magsing-pogi, magsing-buti etc. At kung sakali man mahigitan mo sya minsan, ang tunay na kaibigan ay maligaya pa para sa iyo.
- Ang tunay na kaibigan ay yaong ilang beses mo nang naka alitan o nakadiskusyunan pero sa dulo ng mga ito ay nananatili kayong nagmamahalan at tanggap pa rin ang isa't isa.
- Ang tunay na kaibigan ay hindi ka huhusgahan, bagkus ay yayakapin ang iyong buong pagkatao, kasama ng iyong kamalian, kakulangan at kahinaan.
- Ang tunay na kaibigan ay yaong nagbibigay ng tulong kahit hindi mo pa man ito hinihingi.
- Ang tunay na kaibigan ay nakakaramdam kapag ikaw ay nagdaramdam, kahit hindi mo pa ito sabihin.
- Ang tunay na kaibigan ay masaya kapag masaya ka. Gayundin ay umiiyak kapag ikaw ay nalulungkot. Ang tunay na kaibigan ay karamay mo sa hirap o ginhawa.
- Ang tunay na kaibigan ay magte-text o tatawag sa iyo upang mangamusta, kahit walang dahilan, kahit walang kailangan.
- Ang tunay na kaibigan ay tatawag sa iyo kapag nabalitaang mayroon kang pinagdaraanan at sasabihin sa iyong naroon lang siya kahit matagal na kayong hindi nagkakausap o nagkikita.
hahaha. cge lng dli paman naku ka makita sa karun ok lng basta maghulat lng ko na muabot jud ka. True Friends :)